Tuesday, March 8, 2011

prinsipols oba kumyuter

prinsipols ob a kumyuter:
1.  gumising ng maaga, nang di maabala

-kung kailangan sumakay ng pedicab o tricycle papunta sa kanto o terminal ng jeepney, mag-allot ng 5 - 10 minutes for dropping at pick-up ng ibang pasahero

-kapag ikaw ang unang pasahero, pumwesto sa dulo sa may likod ng driver. siguraduhing sagad ang katawan sa likod ng driver's seat - kailangang bumakat sa binti at braso mo ang bakal na hawakan o ang kurba-kurbang disenyo ng driver's seat o kaya'y ang inalis na pintuan ng sasakyan na itinali ng lubid doon at ang trash can. minsan ay naroon din ang "spare tire" kaya may libre kang "foot rest". (pwedeng ring "put res" - pero sa isip mo na lang!) kapag hindi leather ang materyales ng driver's seat - bagkus ay tela lang o kaya ay gamusa (yung parang espongha) may libre ka ring absorbent inhaler dahil nakulob na doon ang pawis, utot, libag, kulangot, kuto, buhok, balakubak, amoy-sigarilyo, grasa at an-an ng driver at iba pang pasaherong umupo rin doon.

-kapag ikaw naman ang huling pasaherong sumakay may options ka naman: sumabit, mag-flooring, o  isandal ang puwet sa edge ng upuan at tatagan ang paa - dapat nakalapat nang maayos sa sahig at hindi nanginginig ang mga binti, balansehin ang gamit sa kandungan at kumapit nang mahigpit sa hawakan. wag kang mag-alala, kapag patok ang nasakyan mo, alerto ka lang sa biglang preno or liko, siguradong magkaka-espasyo at pag-andar ulit ng sasakyan, kasyang-kasya na kayong lahat kahit wala namang bumaba. may huling option ka pa: makiusap sa isang pasahero na kandungin ka habang wala pang bumababa! hindi option ang hindi pagsakay. alalahanin mong, hindi ka dapat maabala - maghihintay ka pa nang mas matagal at siguradong pagsasabihan ka pa ng driver o barker na maarte or mapili.

2. barya lang sa umaga

-maging alerto sa pag-aabot ng bayad. hindi pwedeng magtulug-tulugan. 

3. kung inaantok, magpaalam kung pwedeng sumandal sa katabi. wag lang tumulo ang laway at mabangungot

4. kung hindi naman terminal ng jeep bagkus ay jeepney stop lang at marami kang kalaban: pmuwesto ng mga tatlo hanggang limang metro mula sa stoplight. kapag may pulis, pumwesto sa may likuran lang niya. wag na wag sa unahan niya at hindi ka makakasakay. o kaya naman, lumipat sa kabila, tatlong hanggang 5 metro bago ang poste ng stoplight. mas may oras ka habang naka-red light.

5. ugaliing mag-work out. palakasin ang kalamnan sa mga braso at siko. kailangan mo yan kapag rush hour. magpraktis din ng limbo rock, tight gripping at footwork. pag-aralan ang iba't ibang anggulo ng paraan ng pagpasok sa makipot na espasyo o butas. 

6. pag-aralan ang pag-estimate ng pagpapalit ng kulay ng stoplight. i-master ang patintero at one-two-three 7-up. makakatulong rin ang touch-the-ball

7. magbigay daan sa mga matatanda, buntis, may dalang bata, at sa mga lalaking construction workers. paunahin na sila. baka mapagkamalan kang sementong i-ma-mason nila.

8. magpraktis din ng high jump at long jump. mas maigi kung may kasamang stunts. magagamit ito kung bababa ka at sobrang trapik o kaya's sobrang bilis ng sasakyan. huwag hintaying gumilid ito. tantyahin ang bilis o bagal ng jeepney at kung gaano ito kalayo sa susunod na sasakyan.

9. kailangan well-rounded ka: kapag may katabing bata, pwedeng ipatong sa hita mo ang sapatos niya na maalikabok o kaya'y itukod ang siko o braso sa hita mo. kapag matanda naman, iwasang madikit sa balat niya o anumang parte ng katawan - laging may maliit na espasyo dapat sa pagitan ninyo, kapag babaeng nakaheels at skirt o kahit ano, i-adjust ang sarili sa direksyon ng upo niya. kadalasan ay pa-slant ito. kapag mahaba ang buhok niya, may libre kang accupuncture sa mukha. kapag lalaki ang katabi mo, wag magreklamo kapag hiwalay ang mga hita niya. unawain mong may kanya-kanyang natural na laki ang nasa kanila-mahirap ipitin yun.bonus nalang kapag di mo gusto ang pabango ng katabi mo - merong de-spray or kaya'y "it just comes out naturally". 

10. kapag naninigarilyo ang katabi mo - umubo na parang inaatake ng hika o kaya'y ilabas ang panyo at magtakip o kaya nama'y kumuha ng kahit anong pwedeng gawing pamaypay at magpaypay nang napakalakas para madaling maupos ang sigarilyo niya.

11. matutong magdasal at maging palakaibigan - lalo na sa mga holdaper at mandurukot

marami pang bagay na dapat isaisip at isapuso ang isang kumyuter pero sa susunod na lang iyon. kapag may panahon. ang importante, may basic idea ka na. 

inaantok na ako eh.

kailangan ko pang gumising ng maaga, nang di maabala...:

Monday, September 6, 2010

balik-tanaw

naaalala mo pa ba...?
patintero, bahay-bahayan, sungka, tumbang-preso, chinese garter, tirahan-bola, jolens, jackstone, dr. quack-quack, sumpit, syato, tatching, langit-lupa-impyerno, step-no, step-yes, step-aparador, pitik-bulag, pitik-lastiko, i lab you mother, mother, tirahan tsinelas, nanay-tatay gusto kong tinapay, walkathon, hulaan pangalan, flames, slumbook, pick-up sticks, tagu-taguan maliwanag ang buwan, saranggola, teks, super tramps, luksong-tinik, luksong-baka, shaider, labanan ng gagamba, salagubang, tutubing-kalabaw, tutubing-karayom, boogeyman, bazooka, nognog, araw-araw, choc-nut, adong, kending-hubad, lips, puto-seko, maruya, pilipit, buto-buto, carioca, fishball, peewee, rin-bee, richie, pritos ring, haw-haw, dilis, ice buko, ice scramble, bun, pinoy klasiks, wakasan, true horoscope stories, kenkoy, pugad-baboy, gilda olvidado, helen meriz, fiesta, block rosary, prusisyon...
hay! wala, naalala ko lang...